Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dr Fabian Cadiz

Inatake sa puso
EX-VM NG MARIKINA PATAY SA ANTIPOLO

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan si dating Marikina vice mayor Dr. Fabian Cadiz matapos atakehin sa puso habang kumakain ng almusal sa isang kainan sa Boso-Boso, lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 20 Pebrero.

Nabatid na nagbibisikleta sa lugar ang dating bise alkalde kasama ang isang kaibigan at tumigil sa isang kainan upang mag-almusal.

Nagpaalam umano si Cadiz na magtutungo sa banyo at tinapik pa sa balikat ang kaibigan saka nagpasalamat sa pagsama sa kaniya sa pagbibisikleta.

Bago makarating sa palikuran, bigla na lamang natumba si Cadiz na napag-alamang inatake sa puso.

Si Cadiz ay kasalukyang kandidato sa pagka-congressman ng unang distrito ng lungsod ng Marikina.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …