Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa ‘di maawat na oil price hike
SAMBAYANAN MAGTIYAGA, MAGTIPID — DOE 

021722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO           

HABANG maiksi po ang kumot, magtiyaga po muna tayo, magtipid po muna tayo.”

Panawagan ito sa publiko ni Department of Energy (DoE) – Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero kahapon sa Laging Handa briefing hinggil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng langis.

Simula ng taong 2022, pitong beses na ang oil price hike na ipinatupad sa Filipinas, P7.90 /litro sa gasoline, P10.20/ litro sa diesel at P9.20 sa kerosene kada litro.

Bukod sa mga ayuda na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor tulad ng transportasyon at agrikultura ay isinusulong ng DoE ang energy conservation.

“Pino-promote pa rin po namin iyong ating energy conservation, na habang maiksi ang kumot, magtipid po tayo. Planohin po natin iyong ating mga lakad. Iwasan po iyong idling, iyong pagpapatakbo ng makina nang hindi naman tumatakbo iyong sasakyan. Mga iba pong energy conservation, even po roon sa mga LPG na dapat ay nakaayos po lahat ang mga sahog bago tayo magluto,” ani Romero.

“So lahat po ng iyan ay gusto po naming iapela sa inyo, tulong-tulong po tayo na kahit paano ay malagpasan po natin itong mga pangyayaring ito sa patuloy na pagtaas ng langis lalo sa mga bagay na hindi natin control,” dagdag niya.

Matatandaan, ang Oil Deregulation Law ang laging ikinakatuwiran ng pamahalaan na dahilan kaya hindi mapakialaman ang presyo ng langis at produktong petrolyo sa bansa.  

Ayon kay Romero, ang mga nagtutulak ng oil price hike sa Filipinas ay ang kapos na fuel supply, tumaas na fuel demand, at supply disruption dulot ng mga pangyayari sa ibang bansa gaya ng girian ng Russia at Ukraine, pagsabog sa Nigeria, pileline leaks sa Libya, at oil spill sa Ecuador at Kazakhstan.

“So ibig sabihin, lahat po ng mga pangyayaring iyon, nag-contribute po para maging tight ang supply sa buong mundo. So iyon po ang dahilan kung bakit nagkasunod-sunod po ang pagtaas na apektado po ang Filipinas,” ani Romero. 

Upang matiyak aniya na may sapat na fuel supply ang bansa ay nagbubuo ang DoE ng oil contingency task force upang matugunan ang mga naturang supply disruption.

Giit ni Romero, may koordinasyon na ang DoE sa Philippine National Oil Company (PNOC) at mga ahensiya ng gobyerno upang malaman ang kanilang mga pangangailangan upang mabuo ang oil contingency plan na magbibigay daan sa stockpiling program o strategic petroleum reserve (SPR).

Kaugnay nito, hinimok ng mga progresibong grupong Anakpawis at Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) si Pangulong Rodrigo Duterte na obligahin ang major oil companies na isapubliko ang proseso ng kanilang pagtatakda ng presyo ng langis.

May kapangyarihan anila si Pangulong Duterte na mag-isyu ng executive order na mag-aatas sa ‘big three’ oil industry players – Petron, Shell at Chevron –  na isiwalat ang proseso ng kanilang oil pricing alinsunod sa global oil prices.

“It would only take less than a day for the government to issue an executive order compelling big-time oil companies to specify in detail their processes of price increases and impose a price control subsequently,” sabi ni Anakpawis national president Ariel Casilao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …