Saturday , April 19 2025
Richard Gordon Ping Lacson Tito Sotto Jejomar Binay

Lacson-Sotto ‘di muna isasama sa kampanya sina Binay at Gordon

MATAPOS tanggalin sa kanilang slate ang dalawang senatoriables, hindi muna ikakampanya ng tambalang Lacson-Sotto sina senatorial candidates Richard Gordon at dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay.

Ayon kay vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III, sa ngayon ay 11 senador lamang ang iniendoso ng kanilang tambalan.

Tiniyak ni Sotto, mag-uusap sila ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson para punuan ang kanilang 12 senatorial candidates.

Tinukoy ni Sotto, hanggang sa kasalukuyan ay walang nagaganap na usapan sa pagitan ng kampo ng tambalang Lacson-Sotto sa kampo ni Binay.

Samantala, si Gordon, simula noong kick-off rally at unang araw ng pormal na pangangampanya hanggang sa kasalukuyan ay madalas dumadalo sa entabldo ng tambalang Leni-Kiko, at ang pinakahuli ay ang rally sa Quezon City.

Magugunitang nauna na rin umugong ang balitang inendoso ni Gordon ang tambalang Leni-Kiko sa kanyang pagdalo sa rally ng dalawa sa Bicol.

Ngunit matapos ang masusing imbestigasyon, sinabi ni Lacson, walang endoso na naganap sa bahagi ni Gordon.

Ngunit matapos ito, nagbanta sina Lacson at Sotto na mayroon silang hangganan sa lahat ng bagay lalo sa kanilang mga rally na pinayapagan nilang magpadala ng kinatawan at video clip ngunit sa ibang entablado ay laging naroon.

Para sa tambalang Lacson-Sotto, obvious na hindi tama iyon bagamat aminado ang dalawa na nais nilang manalo ang lahat ng tumatakbong senador sa kanilang tambalan.

Ngunit hindi mawawala sa senatorial lineup ng tambalang Lacson-Sotto, si reelectionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva.

Pinasasalamatan ito ni Villanueva kasunod ang pahayag na isang malaking karangalan para sa kanya ang maging bahagi ng kanilang grupo.

Sinabi ni Villanueva, nakatrabaho niya ang tambalang Lacson-Sotto sa senado at natitiyak naman niyang nakita ng dalawa ang kanyang trabaho.

Nagpapasalamat si Sotto kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa mainit na pagtanggap sa kanya sampu ng konseho nito at mga opsiyal at empleyado ng lungsod.

Paglilinaw ni Olivarez, bagamat mayroong ineendosong bise presidente ang PDP-Laban, kung saan siya kabilang, hindi naman niya iimpluwensiyahan ang mga opisyal at kandidato ng lungsod.

               Sinabi ni Olivarez, may kanya-kanya silang mga partido at kanyang irerespeto ang pananaw ng bawat isa at welcome ang sinoman sa kanilang lungsod.

Sa kasalukuyan, kabilang sa senatorial lineup ng tambalang Lacson-Sotto bukod kay Villanueva ay sina dating congressman Monsour del Rosario, Dr. Minguita Padilla, dating PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, dating Agriculture Secretary Manny Piñol, ang nagbabalik na si Senador JV Ejercito, reelectionist Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, Antique Rep. Loren Legarda.

Naninidigan sina Lacson at Sotto, ahat ng kanilang iniendosong senador ay mananatili sa kanilang linyada basta sumunod sa gentlemen’s agreement at walang eendosong ibang tambalan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …