KAPWA nanawagan sa publiko sina vice presidential candidates Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Francis “KIko” Pangilinan sa publiko na huwag maniwala at mag-ingat sa mga kumakalat na ‘fake news.’
Ayon kina Sotto at Pangilinan, hindi biro ang mga maling paratang at ipinapakalat na maling impormasyon sa pamamgitan ng social media at maging sa mga texts.
Ipinunto ni Sotto, sa isang text messages na kumakalat na siya at si Senador Richard Gordon ay under pressure nang lumagda sa committee report na inilabas ni Gordon.
Dahil dito, nanawagan si Sotto sa National Telecommunication Commission (NTC) na agarang kumillos at tukuyin kung sino ang nasa likod ng naturang text blast.
Ipinagtataka ni Sotto, paanong nagkaroon ng maraming number o alam ang mga number ng mga tao maliban kung ang mga grupong ito ay mayroong kasabwat sa loob ng iba’t ibang telcos.
Samantala si Pangilinan, inakusahang kasama ang kanyang tandem na walang nagawa sa kanilang panunungkulan.
Dahil dito nanawagan sa publiko si Pangilinan na maging bukas ang kanilang isipan sa lahat ng mga paliwanag sa tunay na plataporma de gobyerno ng mga tumatakbo sa kasalukuyan.
Ani Pangilinan, hindi lamang magsaliksik kundi maging mapanuri at huwag magpadala sa anumang paninira laban sa isang kandidato. (NIÑO ACLAN)