Saturday , November 16 2024

Sa utang na mahigit P4M
SUAREZ FISH HATCHERY PINUTULAN NG KORYENTE


PINUTULAN ng serbisyo ng koryente ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (Q1ECI) na nakabase sa Bgy. Poctol, Pitogo, Quezon ang Fin Fish Hatchery (FFH) sa Bgy. Punta, Unisan Quezon nitong Huwebes ng tanghali, 10 Pebrero 2022 dahil sa hindi pagbabayad ng billing na umabot sa mahigit P4 milyon.

Ang pagputol ng supply ng koryente ay isinagawa ng engineering department dakong 1:15 p.m., saka minarkahan ng ‘delinquent consumer’ na nilagdaan nina Quezelco 1 officials Magene Grefalda, Finance Manager, acting general manager Victor Cada, at
dating board member at Quezelco 1 legal counsel Atty. Frumencio “Sonny” Fulgar.

Noong 6 Enero 2022, si Pulgar ay nagsulat ng demand letter na naka-address sa kasalukuyang gobernador ng lalawigan ng Quezon na si Governor Danilo Suarez, na sinasabing dapat nang magbayad ang gobernador ng kanilang obligasyon sa loob ng limang araw, “otherwise we shall initiate the appropriate administrative, civil, and criminal actions against you protective of our said client’s interest.”

Sa liham ni Fulgar, sinabing ang Suarez facility ay may kabuuang utang na P4,530,276.09 sa Q1ECI hanggang 12 Enero 2022.

Ayon sa pagbubunyag ni Fulgar, sinasabi ni Gov. Suarez na ang mga kinonsumong koryente ng Fin Fish Hatchery (FFH) sa Bgy. Punta, Unisan, ay sakop ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Bilang tugon sa hindi pagbabayad ng utang sa koryente ng Suarez; fish facility, sinulatan ni Victor Cada, acting general manager ng Q1ECI, si Allan Castillo, provincial official in charge ng BFAR sa Lucena City noong January 4.

Ayon kay Cada, matapos makipag-usap kay Gov. Suarez ay sinabihan sila nito na ang account ay nasa ilalim ng BFAR. Dahil dito ay humingi sila ng kompirmasyon at mga dokumento na ang nasabing hatchery ay ini-endoso o nasa ilalim nga ng BFAR.

Bilang sagot, sinabi ni Castillo kay Cada noong 7 Enero, ang Unisan Multi-Species Hatchery account para sa buwan ng Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021 ay hindi responsibilidad ng BFAR gayondin ang mga kinokonsumong koryente ng pasilidad.

“Based on our agreement, only security guard services have been secured and paid by the office since 2011. Further, based on our records, no endorsement for said assumption of payment for electrical consumption was made by both parties,” pahayag ni Castillo kay Cada sa kanyang sagot.

Bago ito, sinulatan ni Cada ang management ng FFH na naka-address kay Suarez noong 7 Disyembre 2021, at ipinagbibigay alam ang mga hindi nabayarang bills ng koryente.

Kalakip ng liham ang listahan ng mga unpaid electricity bills mula Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021, kabilang ang kahilingan na bayaran na ang kabuuang utang sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay “disconnection shall take effect 5 days after receipt of this notification.”

Nagpahayag ng pagkadesmaya si Fulgar sa hindi mabayarang koryente ng pasilidad ni Suarez.

Ang nasabing multi-species finfish hatchery, na itinatag ng NGO, UNLAD Quezon Foundation, ay may layuning makapag-produce ng iba’t ibang binhi ng isda o fish fingerlings na kakailanganin ng mga mangingisda at operators ng mariculture parks sa Quezon, na pinatatakbo at mina-manage ng Suarez clan.

Gayunman, ayon kay Salome Sosuria ng Unisan Business Permit and Licensing Office (BPLO), walang nakarehistrong business name para sa Fin Fish Hatchery sa munisipalidad ng Unisan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …