IMUS CITY, Cavite — Mananatiling solido ang samahan nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson (kanan) at running mate Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III (kaliwa) hanggang dulo ngayong simula na ng kanilang kampanya bilang pangulo at pangalawang pangulo sa Halalan 2022.
Nagtungo ang tambalan sa Imus Cathedral, Martes ng hapon, upang hingin ang basbas ng Poong Maykapal sa kanilang muling pagsabak sa pambansang halalan para ayusin ang gobyerno bago tumulak sa kalapit na Imus Grandstand kung saan gaganapin ang kanilang proclamation rally.
Kasama ng dalawa ang mga kandidato para sa Senado ng Partido Reporma na sina Dr. Minguita Padilla (gitna), dating hepe ng Philippine National Police (PNP) Ret. PGen. Guillermo Eleazar at dating Makati Rep. Monsour del Rosario (wala sa larawan).