Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Wanted na manyakis nahoyo sa Pasig

HIMAS-REHAS ang isang construction worker na wanted sa kasong Act of Lasciviousness nang maaresto ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig, nitong Biyernes ng hapon, 4 Pebrero, sa lungsod ng Pasig.

Sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, kay P/BGen. Rolando Yebra, direktor ng Eastern Police District, kinilala ang nadakip na si Ace Villena, 24 anyos, construction worker, at nakatira sa Blk. 22 Lot 8, Aris St., Mangga 3, Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod.

Inaresto ang suspek dakong 2:40 pm nitong Biyernes, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Art. 336 of RPC, Acts of Lasciviousness na nilagdaan ni Presiding Judge Emilio Ramos Gonzales lll, ng Pasig City Metropolitan Trial Court Branch 54, nitong 1 Pebrero, may nakatakdang piyansang P36,00 para sa pansamantalang kalayaan.

Ayon kay Arugay, “Through our anti-criminality campaign and advocacy of women and children welfare, justice to the victims of such violence, abuse, or exploitation, the rule of law must always prevail and violators will be punished.” (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …