NILOOBAN ng mga hinihinalang magnanakaw ang munispyo ng bayan ng Carles, sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon kay P/Lt. Johny Oro, deputy chief ng Carles Municipal Police Station, iniulat sa kanilang himpilan ng isang empleyado ng munisipyo ang insidente noong Sabado, 5 Pebrero.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid ng pulisya na magkakahiwalay na pumasok ang mga hinihinalang magnanakaw sa Office of the Mayor, Accounting Office, at Budget Office.
Naitalang nawawala ang limang laptop at dalawang external hard drives.
Anang pulisya, maaaring sa main door ng munisipyo pumasok ang mga kawatan dahil sira ang lock nito at walang nakitang alinmang palatandaan na puwersado ang pagpasok sa loob.
Wala rin nakuhang kuha ng CCTV ang pulisya dahil sira at hindi gumagana.
Dahil dito, kinukuha na ng pulisya ang mga latent prints sa pinangyarihan ng krimen pati na ng empleyadong nag-ulat ng insidente sa himpilan upang matukoy ang mga nasa likod ng nakawan.