Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano Arnel Cerafica

Protesta ibinasura ng COMELEC
LINO CAYETANO NANANATILING TAGUIG MAYOR VS CERAFICA 

IBINASURA kamakailan ng 2nd Division ng Commission on Elections (COMELEC) ang protesta ni Arnel Cerafica sa pagkapanalo ni Mayor Lino Cayetano bilang alkalde ng Taguig City sa eleksiyon noong 2019.

Sa naturang halalan, tinambakan ni Cayetano si Cerafica matapos mabilang sa kanyang pabor ang 172,710 boto, samantala, 109,313 lamang ang nakuhang boto ni Cerafica.

At kahit 63,357 boto ang lamang ni Cayetano, naghain pa rin ng protesta si Cerafica.   

Sa Order na ipinalabas ng COMELEC noong 31 Enero 2022, walang nakitang patunay ng mga iregularidad kagaya ng pamimili ng boto, pag-shade ng poll watchers ng mga balota, pamamahagi ng sample ballots, at malfunction ng VCMs ( vote counting machines) na nagbigay umano ng panalo kay Mayor Cayetano. 

Nakita mismo sa mga binuksan at manwal na siniyasat na mga balota na walang iregularidad sa botohan. Bagkus, naitaguyod ng mga nirepasong balota ang malinaw na pagpili ng mayorya ng mga botante kay Mayor Cayetano.   

Sa 252-pahinang Order, isinaad ng COMELEC ang pagbusisi ng walong Revision Committees sa mga balota sa 93 pilot protested precincts na katumbas ng 20% ng 467 nito.

Sa naunang pagbilang ng VCMs sa naturang 93 precincts, may 33,557 balota ang pabor kay Cayetano, samantala may 25,463 ang inilista kay Cerafica.

Alinsunod sa patakaran ng COMELEC, kailangan magpakita ng substantial recovery si Cerafica upang maipagpatuloy ang kanyang protesta sa mga naiwang contested precincts.

Sa pagrebisa ng mga balota sa pilot contested precincts, kailangang umabot sa 20% ng pangkalahatang kalamangan ng nanalong kandidato ang makuhang dagdag na boto ng natalo. 

Sapagkat 63,357 boto ang lamang ni Cayetano, nangailangan si Cerafica ng karagdagang 12,680 boto upang umarangkada ang kanyang protesta.   

Sa matiyaga at detalyadong pagsusuri ng Revision Committees, nakompirmang suntok sa buwan ang protesta ni Cerafica.

Umabot lamang sa 82 dagdag na boto ang nailista sa kanya, at nabawasan din siya ng 11 boto kung kaya’t ang dating 25,463 boto pabor sa kanya ay naging 25,534 (o dagdag na 71 lamang).

Si Cayetano ay nadagdagan ng 70 boto kontra sa 15 nabawas, kung kaya’t lumaki rin ang kanyang dating boto na 33,557 at naging 33,612 (o dagdag na 55 boto).

Kapos na kapos ang karagdagang 16 boto ni Cerafica sa kinakailangang 12,680 boto. Dahil katiting ang tsansa ni Cerafica na malampasan ang kalamangan  ni Cayetano, walang  makitang dahilan ang COMELEC para palawigin pa ang bilang ng mga presintong irerebisa ang mga balota.

Pagsasayang lamang ng oras na ipagpatuloy pa ang protesta ni Cerafica. Kung kaya’t ibinasura ito ng COMELEC.

Sa nalalapit na Mayo 2022 halalan, tumatakbo muli si Cerafica para maging alkalde ng lungsod ng Taguig. Makatutunggali niya si Congresswoman Lani Cayetano, na siyang inihalal ng malinaw na mayorya ng Taguigueños bilang kanilang alkade noong 2010, 2013, at 2016.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …