Saturday , November 16 2024
Dead body, feet

Nahulog sa puno ng Bignay lalaki patay sa San Juan

BINAWIAN ng buhay ang isang 57-anyos lalaki nang mahulog mula sa inakyat na puno ng Bignay nitong Linggo ng umaga, 30 Enero.

Kinilala ang biktimang si Wilmore Cayao, 57 anyos, residente sa G. Road – 6, 1st West Crame, sa lungsod. 

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jarian Jay Encina, dakong 10:20 am kamakalawa nang akyatin ng biktima ang puno ng bignay na may taas na 30 talampakan para putulin ang mga sangang nakayukyok sa bubungan ng kaniyang bahay. 

Agad naisugod sa Camp Crame Hospital ng pamangkin niyang si Vincent Mendoza ngunit binawian din ng buhay ang biktima.

Nagsasagawa ng pinal na imbestigasyon ang San Juan PNP para suriin kong may foul play sa kaso. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …