INIULAT ng Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office na si P/Col. Rogarth Campo kay Regional Director PRO-CALABARZON P/BGen. Eliseo DC Cruz ang pagkakaaresto sa 36 suspek sa magkahiwalay na Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP.
Sa pamamagitan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnold Moleta, inaresto ng PIU chief sina Danilo Caidic, Nestor Maestre, Joesiry Coruña, Christopher de Jesus, John Paulo Trejinal, Elizardo Mejarito, Deomides Rosel, Roland Virtodez, at Wilfredo Nacario pawang residente sa Pangil Laguna.
Nahuli ang mga suspek sa aktong naglalaro at tumataya ng ilegal na sabong (tupada) noong 12:53 pm 30 Enero 2022 sa Brgy. Saray, Pakil, Laguna.
Nakompiska ang isang pirasong patay na fighting cock, apat pirasong live fighting cock, dalawang pirasong gaff (tari), dalawang karayom, tatlong pirasong gunting; isang roll ng white sawing thread; apat na pirasong fighting cock carrier, isang pirasong tape; isang pirasong betadine; at bet money na nagkakahalaga ng P6,000 sa iba’t ibang denominasyon.
Sa Santa Cruz Municipal Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Paterno Domondon, Jr., bilang Officer-In-Charge, arestado sina Arnel Kamatoy, Endolicio Solis, Restituto Galarde, Bryan Solis, Esmeraldo Berunio, Forest Boyles, Christian Ubaldo, Ronilo Alvarez, Andro Reyes, Zarlo Meras, Fernando Banocnoc, at pawang residente sa Santa Cruz, Laguna habang huli sa aktong naglalaro at tumataya sa tupada noong 12:00 pm 30 Enero 2022, sa Sitio Matahimik, Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna.
Humantong sa kompiskasyon ng limang buhay na fighting cock, tatlong piraso ng fighting gaff, at cash bet money na nagkakahalaga ng P4,900 sa iba’t ibang denominasyon.
Sa Liliw Municipal Police Station, sa pangangasiwa ni P/Lt. Amado Basilio, Jr., Officer-In-Charge, arestado sina Mario Montesines, Alvin Tunay, Ken Harvey San Juan, Joran San Lorenzo, Baltazar Cometa, Jerry Polluso, Leonel Adonis, at pawang residente sa Liliw, Laguna, habang nahuli sa aktong naglalaro at tumataya sa tupada dakong 3:15 pm, nitong 30 Enero 2022, sa Barangay Ilayang San Roque, Liliw, Laguna.
Nasamsam ang apat na live fighting cock, isang set ng tari at cash money na nagkakahalaga ng P1,200 at iba pang mga paraphernalia.
Sa San Pablo City Police Station, sa direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Garry Alegre, Chief of Police, inaresto sina Nestor Alday Liscano, Joel Lescano Exconde, Ramil Mercado Reyes, at Noel Fule Guia, pawang residente sa San Pablo, Laguna, habang nahuli sa aktong naglalaro at tumataya tupada, 2:03 pm, 30 Enero 2022 sa Barangay San Jose, San Pablo City, Laguna.
Kompiskado sa mga suspek ang isang buhay na panabong at isang patay na fighting cock, dalawang piraso ng tari, cash na nagkakahalaga ng P2,200 sa iba’t ibang denominasyon.
Sa Santa Rosa City Police Station, sa superbisyon ni P/Lt. Col. Paulito Sabulao, Chief of Police, arestado sina Tamano Romujo Pakil, Ryan Ariap Abayon, Celnor Phil Dianon Alipar, Jayson Alano Clavecilla, at Ritche Alipoyo Auguis, pawang residente sa Santa Rosa City, Laguna, habang nahuli sa aktong naglalaro at tumataya sa tupada, 6:30 pm nitong 30 Enero 2022 sa bakanteng lote ng Mercado Village, Sitio STI, Brgy. Pulong Sta Cruz, Sta Rosa City, Laguna.
Nakompiska ang dalawang 2 pirasong pansabong na tandang, dalawang piraso ng gaffs (tari) at bet money na nagkakahalaga ng P1,100 sa magkaibang denominasyon.
Dinala ang mga naarestong suspek at mga nakompiskang ebidensiya sa kanilang operating unit para sa kaukulang disposisyon at kustodiya. (BOY PALATINO)