Tuesday , December 24 2024
Pandesal holen

Sa patuloy na pagtaas ng presyo
GA-HOLENG PANDESAL IHAHAIN NG PINOY SA HAPAG-KAINAN

NANGANGAMBA si Senador Imee Marcos sa paliit na paliit at hindi na nakabubusog na pandesal bilang paboritong almusal at meryenda ng ordinaryong Pinoy.

Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate Committee on Economic Affairs, tiyak na tututol ang mga konsumer ng tinapay sa hirit na tatlong pisong dagdag presyo pero hindi na rin aniya makayanang ‘di ipatupad ng mga panadero.

“Sa nangyayari ngayon, baka maging ga-holen na lang ang laki ng pandesal,” ani Marcos.

“Napipilitang magtaas ng presyo ang mga panadero dahil nagmamahal ang materyales at pagpapatakbo ng negosyo habang gipit pa rin ang mga badyet ng mga mamimili sa gitna ng pandemya,” dagdag ng senadora.

Una nang iginigiit ng producers na makatuwirang itaas ng tatlong piso ang presyo ng Pinoy tasty at pandesal dahil hindi nagbago ang presyo nito mula pa noong 2016 na P35 kada loaf at P21.50 kada sampung pirasong pandesal.

Sinabi ni Marcos, pwedeng manghimasok o magtakda ang DTI ng price freeze sa mga raw material upang hindi mabigatan ang maliliit na panadero sa bansa.

Dagdag ng senador, ang isang panandaliang solusyon ay pag-import ng arina ngunit government-to-government na usapan at pang-emergency use lamang.

Ang mas pangmatagalang solusyon ay pagdagdag ng nutrisyon sa mga tinapay na ginamit na sa kilalang nutribun noong dekada ’70.

“Gaya ng nutribun noong araw, ang tinapay ay puwedeng dagdagan ng mga sangkap na lokal gaya ng camote, cassava, monggo, kalabasa, patatas, at bigas. Puwede pa lalong pagyamanin sa protina, gamit ang mani at malunggay,” paliwanag ni Marcos.

Kung ikokompara ang halaga ng gastos para sa harina noong 2020 at 2022, lumalabas na ang presyo ng first-class na harina ay nasa P670 hanggang P970, nagkakahalaga naman ang all-purpose flour ng P90 hanggang P1,140, at ang third-class flour naman ay mula P600 hanggang P890.

Ang gastos sa LPG ay lumobo ng P13.15 mula sa P52 kada kilogram noong 2020 sa P65.15 sa kasalukuyan.

Tumaas ang iba pang sangkap sa tinapay mula sa P2,386 naging P3,476 kada 40-kilogram balde ng mantika, mula sa P2,100.15 hanggang P3,490 kada 45-kilogram balde ng margarine, mula sa P2,200 hanggang sa P3,100 kada 50-kilogram ng asukal, at mula sa P1,890 hanggang sa P2,200 para sa kaparehong halaga ng brown na asukal.

Sumipa ang presyo ng gatas mula sa P4,100 naging P5,700 na ang 25-kilogram bag ng skimmed milk powder; P1,820.16 hanggang P1,951.20 ang 48 lata o (isang kahon) ng evaporated milk, at mula sa P2,566.56 naging P2,679.84 para sa kaparehong dami ng condensed milk.

Tanging ang mga pampaalsa ng tinapay at ang tuyong lebadura ang hindi nagbago ang presyo na nasa P1,500 hanggang P1,950. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …