MAHIGIT dalawang milyong (2M+) residente ng Quezon City (QC) ang “fully vaccinated” o bakunado na, at dalawang milyong katao pa ang naturukan na ng “first dose.”
Ito ang iniulat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) nitong Linggo, ang
2,118,430 indibiduwal (may mga edad at kabataan) ay mga bakunado na, kabilang ang mga nabigyan ng isang bakuna na Janssen.
Ang mga nabigyan naman ng “first dose” ay umabot na sa 2,151,990 katao, kabilang ang mga manggagawang sinamantala ang programa ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna ‘di man sila residente ng lungsod.
Ang ‘vaccination program’ ay nakapagbakuna na rin ng 220,732 menor de edad, mayroon o walang mga comorbidity.
Sa kabuuan, iniulat ng CESU na 4,752,281 ‘vaccine dosis’ ang naiturok na, sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.
Sinabi ni CESU Head, Dr. Rolando Cruz, pinalawak na rin ng lokal na pamahalaan ang ‘testing capacity’ sa pagbili ng 100,000 rapid antigen test kits, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Red Cross upang mapalawig ang RT-PCR test, at malaman kung sino sa mga residente ang may virus.
Dagdag ni Dr. Cruz, ang lungsod ay may mahigit isang libo pang contact tracers na nagsasagawa ng “community case monitoring, data collecting” at “encoding, validating reported cases, assisting in vaccination, and monitoring the implementation of minimum public health standards.”
Inilabas ng CESU ang mga datos upang pabulaanan ang mga paratang ng mga kalaban sa politika ni Mayor Joy Belmonte na walang tigil sa pagsasabing walang ginagawa ang pamahalaang lungsod sa hinaharap na pandemiya dulot ng CoVid-19 virus at ang bago nitong variant na Omicron.
Kaya naman maging ang tagapagsalita ng Mayora na si Pia Morato, ay nakapagpasa na rin sa kanyang social media account upang paliwangan ang publiko.
“Natural mataas ang bilang ng mga kaso ng may CoVid-19 sa Quezon City dahil marami tayong nate-test na QCitizens. Ang mga bilang na ito ang nagpapakita na mayroon tayong komprehensibo at epektibong ginagawa para sa testing and contact tracing. If he was genuinely concerned with matters involving ‘kalusugan,’ he would know that the current outbreak is centered in NCR, particularly in high density cities. Any comparison should be apples-to-apples, otherwise, it’s obviously the bitter fruit of politicking,” paliwanag ni Morato na walang ibang tinutukoy kung di si Anakalusugan Partylist representative Mike Defensor na tumatakbo rin mayor ng lungsod sa darating na halalan sa Mayo.
“Instead of actually helping his constituents through the millions of pesos he receives in Congressional funds, the supposed Representative of our children’s health appears to be spending all his time and energy on misguided criticism against our LGU (Local Goverment Unit),” dagdag ni Morato.