Saturday , November 16 2024
Para sa CoVid-19 test kits PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs
MULA sa kaliwa: si DOH NCR director, Dr. Gloria Balboa, DILG USec. Epimaco Densing III (Chairman, Task Group of Communities Response, IATF), Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan, at MMDA GM Atty. Don Artes.

Para sa CoVid-19 test kits
PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

SA PATULOY na pagsirit ng hawaan ng CoVid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate ang Pitmaster Foundation ng P100 milyon sa local government units (LGUs) para labanan ang virus at bumili ng ng CoVid-19 test kits.

Personal na iniabot ni Pitmaster Executive Director Caroline Cruz ang P50 milyong cash at P50 milyong halaga ng mga CoVid-19 test kits sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinaksihan din ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at ng Department of Health (DOH) sa Ynares Sports Arena sa Rizal. 

Ayon kay Atty. Cruz, “ito po ang aming ambag sa pamahalaan para magkaroon ng CoVid-19 mass testing sa bawat lungsod dito sa NCR para kaagad mai-isolate ang mga may sakit para hindi na po makahawa ng kapamilya o katrabaho.”

“Ayon po kasi sa mga eksperto, ang hindi maagap na detection ng may CoVid-19 ang dahilan kaya mabilis po ang pagkalat nito sa NCR ngayon,” ani Cruz.

Dagdag ng abogada, “gusto po ng aming Chairman na si Charlie “Atong” Ang, kung maaari lahat ng tao sa NCR ay ma-testing lalo na po ‘yung may symptoms.”

Nangako ang MMDA na ibabahagi agad ang cash at CoVid-19 rapid testing kits sa 17 LGUs sa Metro Manila.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ni Atty. Cruz, bukas ang Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan ng dialysis at chemotheraphy ngunit walang pera.

“Pumunta lang po kayo sa aming website at magparehistro…kami na po ang bahala sa gastos,” pahabol ni Cruz.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …