Saturday , November 16 2024
Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban
HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

DUMARANAS ng banta sa kanyang seguridad ang isang news reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan na nakabase sa lalawigan ng Rizal dahil sa kuha niyang video sa isang insidente ng pananambang sa Rodriguez (Montalban), nitong Martes ng umaga, 18 Enero 2022.

Sa huling algorithm, umabot sa 1.3 milyon ang views ng nasabing video at may 8.5k reactions, comments & shares, at patuloy na tumataas habang isinusulat ang balitang ito.

         Labis na ipinagtataka ng news reporter na si Edwin Moreno, 53 anyos, kung bakit nakatatanggap siya ng pagbabanta at masasakit na salita, gayong iniulat lamang niya ang naganap na ambush.

         Bilang proteksiyon, agad iniulat sa pulisya ni Moreno ang mga nasabing pagbabanta na inilabas sa ‘comment section’ ng hinihinalang mga kaanak ng biktima ng ambush.

         Kabilang sa mga natanggap ni Moreno ang pagbabantang idedemanda siya ng cyberlibel at wala umanong kinalaman sa politika ang ambush.

         Bukod pa riyan ang mga pagmumura at masasakit na salitang ipinatungkol sa kanya.

         Labis na ikinagulat ni Moreno ang nasabing komento dahil wala naman siyang iniulat na politika ang hinihinalang motibo ng ambush.

         Pinayohan ng pulisya si Moreno na idulog sa barangay justice ang insidente at maghain ng pormal  na reklamo.

         Sa pinakahuling pangyayari, tinanggal at binura ng mga kaanak ng biktima ang kanilang mga pagbabanta at masasakit na salitang ipinatungkol kay Moreno.

Nauna rito, Martes ng umaga, isang negosyanteng babae ang pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek sa kanyang sasakyan sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Rafael, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng pulisya, ang biktimang si Camille  Camacho, nasa hustong gulang, umano’y asawa ng kaanak ng tumatakbong vice mayor na si Edgardo “Umpek” Sison.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 7:40 am noong Martes, sakay ang biktima ng minamaneho niyang Toyota Hilux, may plakang MDC 8711, nang biglang pinaputukan nang siyam na beses ng dalawang suspek.

Nabatid, mula sa bahagi ng Eastwood, tinatahak ng biktima ang lugar nang tambangan ng mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng gun-for-hire gang.

Ayon sa saksi, nagpagewang-gewan nang ilang metro ang sasakyan ng biktima hanggang bumangga sa isang puno.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong away sa negosyo at itinangging may kinalaman sa politika ang pamamaslang. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …