Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tinambangan sa Montalban NEGOSYANTENG BABAE PATAY

Tinambangan sa Montalban
NEGOSYANTENG BABAE PATAY

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang negosyanteng babae, sinabing ang mister ay kaanak ng isang tumatakbong bise alkalde, nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa loob ng sasakyan nitong Martes ng umaga, 18 Enero, sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Rafael, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. 

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng pulisya, ang biktimang si Camille  Camacho, nasa hustong gulang, umano’y asawa ng kaanak ng tumatakbong vice mayor na si Edgardo “Umpek” Sison. 

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 7:40 am kahapon, sakay ang biktima ng minamaneho niyang Toyota Hilux, may plakang MDC 8711, nang biglang pinaputukan nang siyam na beses ng dalawang suspek.

Nabatid, mula sa bahagi ng Eastwood, tinatahak ng biktima ang lugar nang tambangan ng mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng gun-for-hire gang.

Ayon sa saksi, nagpagewang-gewan nang ilang metro ang sasakyan ng biktima hanggang bumangga sa isang puno.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong away sa negosyo at itinangging may kinalaman sa politika ang pamamaslang.

Naglatag ng simultaneous checkpoint ang pulisya at tinipon na rin ang mga CCTV camera sa lugar na inaasahang makatutulong sa mabilis na paglutas ng kaso. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …