PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban sa mga pulis at sundalo sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 17 Enero.
Si Gomez, isang sympathizer o sumusuporta kay Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, isa sa mga responsable sa mga bomb threat at mga insidente ng pangingikil sa Basilan.
Ayon sa Western Mindanao Command ng AFP, nagpadala sila ng mga sundalo kasama ang ilang pulis sa Brgy. Limbocandis matapos malaman na may lalaking nagmamay-ari ng isang anti-personnel mine.
Sa search operation laban sa suspek na kinilalang si Ajie Gomez, nanlaban ang lalaki at gumamit ng isang
M-16 rifle para paputukan ang mga operatiba.
Matapos ang maikling enkuwentro at pagkakapaslang kay Gomez, nasamsam ng mga awtoridad ang anti-personnel mine, ilang mga baril at bala, at ilang mga gamit para sa paggawa ng bomba.
Ibinigay sa pamilya ni Gomez ang bangkay ng napaslang matapos ang operasyon.
Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan, si Gomez ay isang sympathizer o sumusuporta kay Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, isa sa mga responsable sa mga bomb threat at mga insidente ng pangingikil sa Basilan.