Monday , May 12 2025
Edwin Moreno photo Sa San Mateo, Rizal P.7-M ‘obats’ nasabat sa 3 HVT

Sa San Mateo, Rizal
P.7-M ‘OBATS’ NASABAT SA 3 HVT

NADAKIP ang tatlong pinaniniwalaang high value target (HVT) nang makompiskahan ng P700,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU-PIU) sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 15 Enero. 

Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio, OIC ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ang mga nadakip na sina Anthony Miano, alyas Marvin, Jaymar Libanan, at Judy Ann Custodio, alyas Nicole, pawang mga residente ng Sitio Ibayo, Brgy. Maly, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na dakong 2:30 pm, kamakalawa, isinagawa ng magkasanib na puwersa ng PIU at PDEU sa pamumuno ni P/Lt. Jackson Aguyen ang operasyon sa nabanggit na lugar.

Nakompiska mula sa tatlong suspek ang walong transparent plastic sachets at apat na transparent plastic bags ng hinihinalang shabu, may timbang na 110 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P748,000.

Bukod dito, nakuha rin mula sa mga suspek ang iba’t ibang shabu paraphernalia, cash, at buy bust money na ginamit sa operasyon. 

Dagdag ni Aguyen, responsable ang mga suspek sa pagpapakalat ng droga, hindi lang sa naturang bayan kundi sa ilang kalapit nitong mga lugar sa lalawigan. 

Nakapiit ang mga suspek sa Provincial Detention Cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9262 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …