Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Kapwa miyembro Anakpawis
2 SENIOR CITIZENS BINISTAY PATAY

DALAWANG senior citizen na miyembro ng Anakpawis Sorsogon ang napaslang matapos pagba­barilin ng mga hindi kilalang salarin sa Brgy. San Vicente, bayan ng Barcelona, lala­wigan ng Sorsogon, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero.

Nabatid na nagmama­neho ng tricycle ang 70-anyos na si Silvestre Fortades, Jr., at sakay niya ang kinakasamang si Rose Maria Galias, 68 anyos, nang maganap ang insiden­te.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril nang huminto sa isang sari-sari store ang tricycle at lumabas ang babaeng biktima upang mag-deliver ng mga panindang rekado nang pagbabarilin ng mga suspek.

Narekober ng mga awtoridad sa pinang­yari­han ng insidente ang 13 basyo ng kalibre .45 baril.

Kinilala ng Anakpawis Sorsogon ang dalawang biktima sa isang pahayag na kanilang inilabas, anila ay parehong nagtitinda ng mga bawang, sibuyas at iba pang sangkap sa pagluluto, nang maganap ang krimen.

Mariing kinokondena ng Karapatan Bikol, Bayan Bikol, at Defend Bicol ang pamamaslang sa dalawa na parehong miyembro ng Samahan ng Magsasaka, local chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Kasalukuyang iniim­besti­gahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa likod ng pamamaslang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …