INIANUNSIYO nina Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna Pangan ang health break para sa lahat ng antas mula elementarya hanggang kolehiyo sa pribado at pampublikong mga paaralan simula 14 Enero hanggang 21 Enero 2022.
Kabilang sa health break ang parehong online at face-to-face classes sa buong lungsod.
Ani Domagoso, isinulong ang health break sa lungsod upang mabawasan ang anxiety ng mga guro, mga magulang, at mga estudyante.
#WalangPasokSaMaynila
#SchoolHealthBreak