INIHAYAG ngayon ni San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes, nakamit ng lungsod ang 82.89% ng populasyon na target mabakunahan matapos ang malawakang pagbabakuna at pagpapabatid ng kaalaman sa publiko na ipinatutupad ng lungsod mula noong nagdaang taon.
Inihayag ito ng mambabatas makaraang hilingin sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magsagawang muli ng panibagong malawakang pagbabakuna upang matugunan ang sobrang paglaki ng kaso ng CoVid-19.
“We need to have another massive vaccination drive like what we had last year when we allotted three days to ramp up inoculating at least 9 million people all over the country. The Filipino people should be given sufficient access to life-saving vaccines to give them better protection against Covid-19, especially the highly transmissible Omicron variant,” pahayag ni Robes.
Hanggang nitong 11 Enero 2022, ang Filipinas ay nakapagbakuna ng 115 milyong dosis ng CoVid-19, at 58 milyong mamamayan ang nakatanggap ng unang dose habang mahigit 53 milyon ang nakadalawang dosis.
May 3.8 milyon na rin ang nakatanggap ng booster shots.
Sa naturang numero, sinabi ni Robes, 47.9 porsiyento ng mga Filipino ang nakadalawang dosis ng bakuna, malayo pa sa 70 porsiyento para makamit ng bansa ang herd immunity o kawan ng mga ligtas sa sakit.
“On the average only more than 300,000 doses are being administered daily so we need to again ramp up vaccination in order to achieve herd immunity much earlier,” dagdag ng mambabatas.
Ani Robes, nitong 11 Enero 2022, nakapagbakuna ang San Jose Del Monte City ng may 375,278 o 82.89 porsiyento ng target na populasyon habang 424,680 o 93.80 porsiyento ang nakatanggap ng kanilang unang dose at 38,178 ang mayroon na ring booster shot.
“We have a high vaccination rate in San Jose Del Monte because of the massive vaccination drive we do every single day. Mayor Arthur Robes has implemented ways to push up vaccination. We have night vaccination for workers and we go house to house to reach those who are unable to travel our vaccination sites. Because of this, we are able to achieve 82.89 percent vaccination. Only around 30,000 of our residents are unvaccinated and we are working hard to reach them so that all of us will be protected,” dugtong ni Robes.
Nitong 12 Enero 2022, kinompirma ng lungsod ng San Jose Del Monte na may 157 bagong kaso ng CoVid-19 na nagresulta sa pagtaas ng kanilang aktibong kaso sa 1,375.