Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Sa pagkalat ng Omicron variant ng CoVid-19
MAHIGPIT NA BORDER CONTROL POINTS INILATAG SA BULACAN

 (ni MICKA BAUTISTA)

MAHIGPIT na ipinatupad ng Bulacan PNP ang border control points upang maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant ng CoVid-19, dahil sa pagtaas ng Alert Level 3 ng lalawigan sa 5-scale CoVid alert status nitong Huwebes ng gabi, 6 Enero.

Ayon kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, itinalaga ang may kabuuang 112 police officers at force multipliers upang magmando sa 24 quarantine control points — 17 para sa provincial boundaries (Bulacan-Manila, Bulacan-Pampa­nga, at Bulacan-Nueva Ecija) at pito para sa North Luzon Expressway (NLEX) exit. 

Lahat ng control points at police visibility ay pinatindi sa buong lalawi­gan bilang tugon sa ipinata­w ng pamahalaan na mahigpit na pagpapatu­pad ng Alert Level 3 sa Bulacan upang mapigil ang pagdami ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19.

Matatagpuan ang mga border Quarantine Control Points (QCP) sa Brgy. San Roque Rd., Baliuag, (Candaba, Pampanga Boundary); Brgy. Tilapa­yong, Baliwag (Apalit, Pampanga Boundary); Brgy. Gatbuca, Calumpit, (Calumpit-Apalit, Pampanga Boundary); Shelterville, Brgy. Loma De Gato, Marilao, (Phase 10 Brgy. Bagong Silang Caloo­can City); Brgy. Bagbaguin, Meycauayan (Road Closed-Valezuela Boundary); Brgy. Bahay Pare, Meycauayan (Caloocan Boundary); sa bahagi ng McArthur High­way, Brgy. Bancal, Meycaua­yan; Brgy. Lawa, Meycaua­yan, Bulacan (Valenzuela Boundary); Brgy. Catangha­lan, Obando; Brgy. Panghu­lo, Obando; Brgy Bulualto, San Miguel; (Provincial Boundary ng San Miguel to Gapan, Nueva Ecija); Brgy. Dagat-Dagatan, San Rafael (San Rafael-Candaba, Pampanga Boundary); Brgy. Pansumaloc, San Rafael (San Rafael-Candaba, Pampanga Boundary); Brgy. Batasan Bata, San Miguel (Provincial Boundary ng San Miguel sa Candaba, Pampanga); Dela Costa Homes, San Jose del Monte (Phase 7 Brgy. Bagong Silang, Caloocan City); Evergreen Heights, San Jose del Monte (Phase 10, Brgy. Bagong Silang, Caloocan City); at  Sapang Alat Bridge, Brgy. San Miguel, San Jose del Monte (Brgy. Malaria, Caloocan City).

Kabilang sa mga control points sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) ang NLEX northbound exit sa Brgy. Turo, Bocaue; NLEX Philippine Arena, Brgy. Igulot, Bocaue; NLEX northbound exit sa Brgy. Tambubong, San Rafael; NLEX exit bound sa Brgy. Sta Rita, Guiguinto; NLEX southbound sa Brgy. Patubig, Marilao; NLEX toll exit southbound sa Brgy. Malhacan, Meycauayan; at Pulilan Exit, South Bound, Brgy. Tibag, Pulilan.

Papayagan ang mga awtorisadong personnel na pumasok at lumabas sa mga border ng lalawigan na magbibigay ng mga basic services, essential needs, necessary items, utilities, at ang mga biyahero na papasok ng Metro Manila ay susuriin kaugnay sa kanilang katibayan ng vaccination.

Nagpaalala rin ang Bulacan PNP sa publiko na ang mahigpit na pagsunod sa lahat ng protocols at ang minimum public health standards ay mahalaga upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan gayondin upang maiwasan ang Omicron strain ng CoVid-19 mula sa pagkalat sa lalawigan at sa bansa.

About Micka Bautista

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …