TINANGGAP ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 400 liters ng ‘disenfection chemicals’ na donasyon ng Interworld Enterprises noong isang araw sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Ang 20 containers ng Nobac Urban organic-based deodorizer disinfectant na may lamang 20 liters kada isa ay opisyal na tinanggap ni PSC Engineering staff Daniel Espino para gamitin sa ‘disenfection’ sa pasilidad ng PSC ng main administrative building sa loob ng RMSC at sa PhilSports Complex sa Pasig.
Sinabi ni PSC Exe-cutive Director Atty. Guilldermo Iroy, Jr., ang PSC ay lubos na nagpapasalamat sa suporta mula sa mababait na kaibigan at colleagues mula sa pribadong sektor. Ang donasyon na disinfectants ay malaki ang maitutulong ngayong ang ahensiya ay mag-dodoble ng paglilinis dahil sa pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa bansa.
Simula nang pumutok ang pandemic, ang PSC management ay regular na nagsasagawa ng kanilang ‘disinfection activities’ pagkatapos ng office hours tuwing Lunes, Miyerkoles, Biyernes at tuwing weekends para maiwasan ang pagkalat ng virus at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at staff.