Tuesday , December 24 2024

Sa Negros Occidental
BEYBI, MAG-ASAWA PATAY SA BUMANGGANG WATER TANKER

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang pamilya na kinabibilangan ng isang 2-buwang gulang na sanggol at kanyang mga magulang nang mabangga ng water tanker na kasunod ng kanilang motorsiklo sa Sitio Ulay, Brgy. Prosperidad, lungsod ng ng San Carlos, lalawigan ng Negros Occidental, kahapon, Miyerkoles, 5 Enero.

Kinilala ang mga biktimang sina Joemar Jirasol, 29 anyos, kanyang asawang si Angeline Jirasol, 19 anyos, at kanilang sanggol na lalaki, pawang mga residente sa Brgy. Codcod, sa nabanggit na lungsod.

Sugatan rin ang 10-anyos kapatid ni Angeline, residente sa bayan ng Don Salvador Benedicto.

Ayon kay P/Capt. Roger Pama, deputy police chief ng San Carlos City Police Station, nasira ang manibela ng truck ng water tank na minamaneho ni Mykill Galgo, 24 anyos, dahilan ng pagbangga nito sa motorsiklong sinasakyan ng pamilya.

Dagdag ni Pama, tinangkang mag-overtake ni Galgo sa motorsiklo ngunit nawalan na siya ng kontrol sa truck at tuluyang bumunggo sa nauunang sasakyan.

Agad namatay ang tatlong biktima, na bumibiyahe patungo sa bayan ng Don Salvador Benedicto, nang pumailalim sa truck.

Kasalukuyang nasa pagamutan ang 10-anyos na kapatid ni Angeline na nasugatan nang tumalsik mula sa motorsiklo.

Samantala, nakapiit si Galgo sa himpilian ng pulisya habang hinihintay ang desisyon ng pamilya ng mga biktima kung sasampahan siya ng kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …