Friday , November 15 2024
Murder Dead Police Line

Sa Pangasinan
BODYGUARD KINASUHAN SA PAMAMASLANG SA DATING MAYOR

SINAMPAHAN ng kasong murder nitong Lunes, 3 Enero, ang bodyguard ng napaslang na dating alkalde ng bayan ng Anda, Pangasinan.

Isinampa ng Pangasinan PPO ang kaso laban sa suspek na kinilalang si William Cagampan sa Regional Trial Court ng lungsod ng Alaminos, dahil sa pamamaril at pagpatay kay Cerdan sa Brgy. Namagbagan, sa nabanggit na bayan, noong Sabado, 1 Enero.

Ayon kay Pangasinan police director P/Col. Richmond Tadina, handang magbigay ng testimonya ang anim na testigo laban sa suspek.

Dinakip si Cagampan sa kalapit na Brgy. Tondol, dalawang oras matapos ang insidente ng krimen, at nakatakdang isailalim sa drug test.

Isinimite ang mga cellphone ng biktima at ng suspek sa regional anti cyber-crime unit para sa pagsusuri.

Ani Tadina, pabago-bago ng kanyang pahayag si Cagampan, na nagsilbing bodyguard ni Cerdan sa loob ng siyam na taon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …