Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil sa ‘nervous breakdown’
76-ANYOS AMA PINUKPOK, SINAKSAK, NG ANAK PATAY

INAKUSAHAN ang isang lalaking pinaniniwalaang mayroong ‘nervous breakdown’ ng pamamaslang sa kanyang sariling ama sa loob ng kanilang tahanan sa lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Sabado, 1 Enero 2022.

Kinilala ng pulisya ang pumanaw na biktimang si Romulo Espenido, 76 anyos.

Ayon kay P/Lt. Marion Vincent Buenaflor, deputy police chief ng Talisay City Police Station, dumaing umano sa kanya ang 33-anyos suspek na si Julius Roy na masama ang kanyang pakiramdam.

Dahil dito, hinilot ni Espenido ang kanyang anak upang bumuti ang kanyang pakiramdam ngunit bigla na lamang umano siyang sinakal ni Julius Roy saka pinukpok ng bato sa ulo na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa pahayag ng pamilya Espenido, walang anumang pagtatalo ang mag-ama na maaaring maging dahilan ng paggawa ng krimen ng suspek. Dagdag ni Buenaflor, hindi mapakali ang suspek at tila wala sa sarili nang matagpuan nila sa likod ng bahay bago nila arestohin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …