Sunday , April 20 2025
Mathew Wright

Wright maglalaro na rin sa Japan

UNTI-UNTI ang ginaga­wang panunulot ng Japan B. League sa maga­galing na  Pinoy basketball players. Matunog ang balitang si Matthew Wright naman ang target nilang masungkit  sa susunod na taon.

Balitang inaalok si Wright ng maximum na kontrata pagkatapos mapaso ang kontrata niya sa Phoenix Super LPG sa Agosto 2022. Tiyempong ito ang pag­sisimula ng bagong season ng Japan B. League.

Sa kasalukuyan ay gumagawa ng paraan ang pamunuan ng Phoenix  na makombinsi ang tikador para mag-extend ng kon­tra­ta pero tipong malabo nang mangyari iyon.

Ayon sa pahayag ni Paolo Bugia, ang team manager ng Phoenix, kinakausap na niya ang manager ni Wright para sa posibilidad ng ekstensiyon pero mukhang suntok sa buwan iyon dahil imposibleng matapatan ng team ang higanteng offer kay Wright ng Japan B. League.

Pahayag ng sources, tumataginting na $30,000 kada buwan ang alok kay Wright, tatlong doble iyon ng tinatanggap niya sa PBA.

Masaya si Blackwater head coach Ariel Vanguardia na siyang responsable sa pag-recruit kay Wright mula sa St. Bonaventure Unversity sa US.

Ayon kay Vanguardia, malaki ang iniangat  ng laro ni Wright sa kasalukuyan.  Hindi lang siya scorer ng team, naging mature siya bilang pangunahing man­la­laro ng koponan.

Naniniwala si Vanguar­dia na sisikat ang kanyang protégé sa Japan.

Maging si Meralco Bolts assistant coach Charles Tiu, naging coach ni Wright sa Mighty Sports ay nag­sabing malayo ang mara­rating ng dati niyang manlalaro sa Japan B. League dahil sa taglay nitong kababaang loob at isang palaban na man­lalaro.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …