Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puslit na ‘yosi’ nasakote sa Sulu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang 31 kahon ng mga puslit na imported na sigarilyo sa bayan ng Indanan, lalawigan ng Sulu, nitong Sabado ng gabi, 1 Enero.

Ayon kay P/Maj. Edwin Sapa, hepe ng Indanan PNP, natagpuan ng pulisya ang inaban­do­nang kontrabando habang nagpapatrolya sila sa Sitio Laum Niyog, Brgy. Kajatian, sa nabanggit na bayan.

Naglalaman ang mga narekober na kahon ng mga sigarilyong may mga brand na Canon, Famous, B&R at Stone.

Tinataya ng mga awtoridad ang halaga ng mga nasakoteng sigarilyo.

Ani Sapa, agad tumakas ang mga taong maghahatid ng mga kontrabado sa isang buyer matapos nilang makita ang mga alagad ng batas.

Agad ini-turnover ang mga nasamsam na mga sigarilyo sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Jolo para sa kaukulang dispo­sisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …