Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

IM Dableo mapapalaban sa Estancia Mall Chess Tournament

PABORITO  si  International Master Ronald Dableo sa pagtulak ng Hon. Sen. Manny Pacquiao Over the Board Open chess tournament sa 7 Enero 2022, 10:00 am na gaganapin sa Estancia Mall sa Pasig City.

Nagkampeon  si  Dableo  sa Pamaskong Handog ni  GM Rosendo Carreon Balinas, Jr., online chess tournament noong 23 Disyembre 2021.  Ngayon ay  target niyang makadale agad  ng titulo sa pagbubukas ng taon 2022.

Si Dableo, isa sa top player ng Philippine Army Chess Team at coach ng University of Santo Tomas (UST) Chess Team ay inaasahang mapapalaban nang todo laban sa magagaling na woodpushers sa bansa na kinabibilangan nina GM Rogelio Antonio, Jr., GM Darwin Laylo, IM Ricardo de Guzman, IM Angelo Young, IM Barlo Nadera, IM Chito Garma, IM Chris Ramayrat Jr. , FM Alekhine Nouri at iba pa.

May nakalaan na  P7,000 plus  trophy sa mag­kakampeon. Saman­tala masusungkit  ng second placer ang P5,000 plus  trophy, habang makatatangap ang third placer ng P4,000 plus  trophy, maiuuwi ng fourth placer ang P3,000 plus medal at maibubulsa ng fifth placer ang P2,000 plus trophy.

May nakalaang paparemyo para sa pupuwesto mula sa Sixth hanggang 12th placer na tig-P1,000 each plus medals.

Ang top three (3) kiddies, junior, lady at senior ay makatatanggap din ng tig P1,500, P1,000 at P500, ayon sa pagka­kasunod plus medals.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …