Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 dalagita nalunod patay (Sa La Union)

NAUWI sa trahedya ang selebrasyon ng bagong taon ng isang pamilya nang malunod at bawian ng buhay ang tatlong dala­gitang magpipinsan sa Balili River sa Brgy. Upper Bimmutubot, bayan ng Naguilian, lalawigan ng La Union, nitong Sabado, 1 Enero.

Ayon sa pulisya, nag-picnic sa tabing ilog kasa­ma ng kanilang pamilya ang mga biktimang kinilalang sina Rona Joy Camarao, 17 anyos; kanyang kapatid na si Leonica Camarao, 14 anyos; at kanilang pinsang si Ruby Ann Dacusin, 17 anyos, pawang mga residente sa Brgy. Dagup, sa bayan ng Bagulin, sa naturang lalawigan.

Nabatid, nawala ang tatlong biktima habang lumalangoy sa ilog mata­pos kumain ng tanghalian.

Tinangkang hanapin ng kanilang mga kaanak ang mga biktimang lumulutang na ang mga katawan sa kabilang bahagi ng ilog.

Binawian ng buhay ang tatlong dalagita habang nasa biyahe patungong Naguilian District Hospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …