Monday , May 12 2025

25 katao huli sa tupada

DALAWANPU’T LIMA katao ang nahuling abala sa pagsigaw habang naglalaban ang dalawang manok na may tari sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na sina Artagnan Gonora, 60, Sherwin Almodiel, 46, Gonzalo Orbaneja, 60, Ariel Montes, 24, Reynaldo Delima, 49, Ronnie Dino, 43, Elmedio Esola, 54, Fernando Galang, 43, Benjamin Arquilita, 36, Wilfon Vasquez, 45, Florencio Sepnio, 45, Lucas Septio, 58, Rolly Bello, 37, Domenciano Tumbokon, 49, Roger Estolano, 54, Limer Rivera, 46, Ronaldo Macalobre, 45, Antonio Pataueg, 55, Wilfredo Ursabia, 59, Rommel Imperial, 39, Wilfredo Cabel, 52, Eduardo Quijano, 54, Rene Roy Ursal, 55, Felipe Escorial,, Jr., 51, Eduardo Lumanog, 52 anyos.

Batay sa ulat  ni P/MSgt. Julius Mabasa kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., nakatang­gap ang District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na tupada sa Acero St., Brgy. Tugatog.

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo saka pinuntahan ang naturang lugar, kasama ang mga tauhan ng Malabon police na nagresulta sa pagkakaaresto sa 25 katao.

Nakompiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P15,000 bet money. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …