Friday , November 15 2024
Pitmaster Caroline Cruz Marines Odette
KAUSAP ni Pitmaster Exec Dir. Caroline Cruz ang mga opisyal ng Marines na nag-aalok ng tulong sa pagre-repack at pagde-deliver ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Odette.

Pitmaster, PH Marines magkatuwang sa Odette relief distribution

HUMINGI ng tulong ang Pitmaster Foundation sa Philippine Marines 72nd Marangal Battalion upang mabilis na maihatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga mamamayang nasalanta ng bagyong Odette sa Mindanao at Visayas regions.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, “personal kong sinilip ang mga dinaanan ni Odette at maraming mga kalsada ang sira o lubog sa tubig kaya naisip namin na humingi na ng tulong sa AFP.”

Ani Cruz, “Hindi lang sa pag-transport ng relief goods ng Pitmaster kundi malaking tulong din ang mga marines sa pagre-repack ng mga pagkain at hygiene kits para sa initial target namin na 100,000 families sa Surigao, Bohol, Negros, at Palawan.”

“Pero dahil patuloy ang paghingi ng tulong ng mga LGUs sa aming chairman na si Charlie “Atong” Ang, expected namin na madaragdagan pa ang 100,000 families na bibigyan ng ayuda within the next few days,” ani Cruz.

Bagamat walang ibinibigay na halaga si Cruz hinggil sa kanilang kasalukuyang relief operations, ayon sa ilang importante, umaabot na sa P45 milyon ang halaga ng mga bigas, delata, at mga personal hygiene kits na laman ng bawat relief packs para sa mga pamilya na nasalanta ng bagyo.

Napag-alaman din, sa Cebu City ang magiging main relief distribution center ng Pitmaster dahil nasa gitna ito ng bansa at mas malapit sa Mindanao at Palawan.

Nagpasalamat si Cruz kay Eastern Visayas Naval Reserve Commander Col. James Lugtu sa pag-alok ng mga tauhan at mga sasakyan para maihatid ang mga ayuda sa mga biktima bago mag-Pasko.

Hindi ito ang unang relief operations ng Pitmaster.

Matatandaang namahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo noong nakaraan taon sa Metro Manila at karatig-pook.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …