Saturday , November 16 2024

P2.38-M shabu nasamsam tiangge vendor timbog

ARESTADO ang isang tindero sa tiangge na nahulihan ng P2.38-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes, 10 Disyembre.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial police director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Rasul Sadic, alyas Elyas, kasalukuyang naninirahan sa Jao Ville, Brgy. Panda, lungsod ng Angeles, sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Bruno, ikinasa ang isang buy bust operation laban kay Sadic sa harapan ng Jose C. Feliciano College Foundation, Brgy. Dau, sa nabanggit na lungsod, kung saan nakompiska mula sa suspek ang 350 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P2,380,000, buy bust money, isang Nokia cellphone; at isang itim na bag.

Kasalukuyang nakakulong si Sadic na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …