Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iñigo Pascual, Rachel Alejandro, Krystal Brimmer

Rachel gustong maka-collaborate sina Iñigo at Krystal Brimmer

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ISA si Rachel Alejandro sa bumati at naghandog ng awitin sa nakaraang ABS-CBN Andito Tayo para sa isa’t isa virtual Thanksgiving Get-Together para sa Entertainment Media na labis naming na-appreciate dahil ang ganda pa rin ng boses niya, walang pagbabago.

Ang awitin niyang Ang Pag-Ibig Kong Ito ay ini-release sa online ng Star Music pagkalipas ng isang dekada.

Base sa panayam ni Rachel kamakailan na kasama rin siya sa upcoming drama series na The Broken Marriage Vow kasama sina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo ay binanggit niyang gusto niyang maka-collaborate ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual para sa awiting Kung Ako Ba Siya na kinanta ng  hunk actor noon.

Mahigit isang dekada na noong i-release ang Kung Ako Ba Siya na isinama ni Rachel sa kanyang album at ang paliwanag niya, ”Mayroon akong isang kanta ng tatay niya na si Papa P in the album called ‘Kung Ako Ba Siya.’ And the reason bakit may ganoong kanta riyan is because sabi ko kailangan mayroon akong Papa P na song dahil kailangan maroon naman akong kilig na kanta dahil iniisip-isip ko si Papa P noong inaawit ko ‘yun for the album.

“But anyway aside from the fact na anak siya ni Papa P is he’s such a good performer. I’m so impressed with his development as an artist lalo na ngayon nagkaroon pa siya ng international show. Ang bongga ‘di ba? Sobrang bongga and it’s very well deserved. I love the fact that he sings and dances.

“Noong nag-uumpisa kasi ako as a singer ‘di ba ganoon din naman ‘yung image ko noong kabataan ko noong ‘Mr. Kupido’ days, ‘Kulang sa Pansin’ days. So parang I would love that,” pagtatapat ni Rachel.

Si Krystal Brimmer naman sa young star ang gustong makasama rin nito sa album niya.

”Actually naumpisahan na namin ito, si Krystal Brimner. Mayroon kami supposedly pelikula together. Tatlo kasi ‘yung bida rito, it starts Morissette Amon and then si Krystal Brimner ‘yung isa.

“But it’s been put on hold for such a long time now and nandoon na nga tayo sa point na medyo nagdadalaga na rin si Krystal. But ever since I met her doon pa lang when she was Annie, ini-interview ko na ‘yan doon sa aking daily talk show noong panahon na ‘yun and I was really just so impressed with her. She’s such a good actress and a good performer all around. I’d love that maybe some day we’ll see,” papuri ng singer/actress.

Marami ang nagtatanong ng kanyang beauty secret dahil hindi siya mukhang 47 years old.

”I work out and I really try to get fresh air and sunshine. I go out. I try to be outdoors as much as I can. Vitamin D. Maganda ‘yan para sa immune system. Kaya nga rito nagbubukas ako ng bintana kahit na on the days na wala kaming shoot and andito lang ako sa room, ‘yun ‘yung ginagawa ko.

“And of course tuloy-tuloy ang workout ko rito. ‘Yan naman ang gawain ng lahat ng mga cast dito sa ‘The Broken Marriage Vow.’ ‘Pag hindi kami nagsu-shoot, ayun nagwo-workout. So ang saya dahil very healthy din ‘yung mga kasamahan ko rito. So we kind of encourage each other to stay healthy dito kasi sa panahon ngayon that’s so, so important to keep your immune system working properly. So ‘yung pagwo-workout, nutritious food, pagpapa-araw, napaka-importante niyan. And of course ‘yung genes na rin siguro. Nakita niyo naman ‘yung tatay (Hajji Alejandro) ko ‘di ba hindi tumatanda (sabay tawa). Siguro suwerte lang talaga na aking minana,” masayang kuwento ng panganay ng orihinal na Kilabot ng mga Kolehiyala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …