I-FLEX
ni Jun Nardo
TIKOM pa ang bibig ng GMA Network at Triple A management team ni Marian Rivera, kaugnay ng naglalabasan sa social media na isa siya sa judges sa magaganap na Miss Universe 2021 sa Israel.
Nasa Israel na ang representative ng ‘Pinas na si Beatrice Luigi Gomez. Tuloy ang laban niya kahit na nga may balitang kumakalat ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron variant.
Eh kung totoo na isa sa judges si Yan, curious ang lahat kung paano niya magagampanan ang pagiging judge eh lagi siyang nasa bahay dahil sa takot sa virus at may dalawang anak na inaalagaan, huh!
Balita namin, ibubunyag kung totoo o hindi totoo na isa sa judges si Marian sa Miss U sa isa sa episodes ng 24 Oras.