Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Santos

Erik aminadong matagal ng walang kayakap

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Eric Santos na wala siyang kayakap ngayong Kapaskuhan. At matagal-tagal na siyang walang kayakap.

Ang rason, ”mayroon akong gusto pero kapag nagkakakilala ng mabuti, malalaman mo na hindi kayo swak. Mayroon naman (gusto) tao lang,” ani Eric sa launching ng kanyang Christmas single na Paskong Kayakap Ka na isinagawa sa Academy of Rock kahapon ng tanghali.

Niloko ng Entertainment Press si Eric na wala na siya sa kalendaryokaya dapat ay maghanap na siya ng mapapangasawa. Kaya natanong siya kung ano-anong qualities ang hinahanap niya.

“’Yung mamahalin talaga ako at mamahalin ko rin at the same time. ‘Yung grabe ‘yung faith niya kay God. Kailangan pareho kami ng faith. Pareho kami ng values in life and ‘yung mamahalin din ang pamilya ko,” tugon nito.

At aminado naman si Eric na talagang malamig kapag walang kayakap. Kaya isa ito sa rason kung bakit nakagawa siya ng single ukol sa yakap. Swak kasi ang awiting ito sa mga nami-miss makasama ang mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan.

“Dahil sa pandemya, maraming tao tayong nami-miss at gustong makasama at makayakap na matagal na nating hindi nakikita—Kapamilya, malalapit na kaibigan, kasintahan, at mga mahal sa buhay. Ngayong darating na Kapaskuhan, sino ang gusto mong kayakap?” sambit ni Eric.

Isinulat at komposisyon ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang Paskong Kayakap Ka na tungkol sa kagustuhang makapiling ang mga espesyal na tao sa iyong buhay para mas maging masaya ang selebrasyon ng Pasko. Maririnig sa kanya ang soft piano instrumental na mas pinaigting ang ‘nostalgic’ mood nito.

Nito lang Oktubre inilabas naman ng King of OPM Theme Songs ang bersiyon niya ng worship song na Sigaw Ng Puso tungkol sa pagsunod sa plano ng Diyos sa kabila ng maraming unos sa buhay. Regular siyang napapanood bilang host at performer sa ASAP Natin ‘To.

Kasabay ng Paskong Kayakap Ka single, inilunsad din ni Erik ang produktong lalong nagpapabango sa kanya, ang Erik Secret Scents na negosyo nilang magkakaibigan.

Halina’t yakapin ng mahigpit ang mga taong mahalaga sa iyo at pakinggan ang Paskong Kayakap Ka ni Erik.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …