Saturday , November 16 2024
Joy Belmonte Bike Lane

Ligtas at makabagong bike lanes handog ni Belmonte sa mga siklista

IKINATUWA ng maraming siklista ang ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pagandahin at gawing ligtas ang “bike lanes” na ngayon ay halos 178 kilometro na ang haba sa buong lungsod.

Si Valentino Araojo ng samahang Batch 80 Sunday Road Bike Warriors, isa sa mga siklistang naghayag ng kasiyahan sa mga makabagong bike lanes na ipinatutupad ni Mayor Belmonte ang nagsabi na mas ligtas sila sa pagbibisikleta sa Quezon City.

“Ligtas kaming mga siklista sa mga bike lane ng QC. Isa, kampante ka sa dinaraanan mo. Safe ka, ‘ika nga. Walang pipina sa iyo,” ang pahayag ni Araojo na ang tinutukoy ay ang dating 55 kilometro lamang na bike lanes at ngayon ay 178 na kilometro na sa paligid ng lungsod.

Si Joel Malabanan naman ng Barangay Culiat ay siklistang binigyan ang kahalagahan ng bike lane. “Lalo ngayon, pansinin mo marami na ang nagba-bike, ‘di lang mga hobbiest kundi gamit na rin talaga (ang bisikleta) sa pagtratrabaho. Mahalaga ang bike lanes, iwas aksidente,” ang pahayag ni Malabanan.

“Sobrang mahalaga (ang mga bike lanes). Nabibigyan na ngayon ng pansin ang mga siklista. Safety ang isinaalang-alang dito ng Mayor natin para sa mga tulad naming bikers,” ang sabi ni Francis Gonzales, siklista ng Barangay Damayan.

Ayon kay Assistant City Administrator Alberto Quimpo, marami pang nakalinyang pagbabagong mangyayari, alinsunod sa programa ni Mayor Belmonte para maprotektahan ang mga “cyclists” sa paggamit ng mga bike lanes ng lungsod.

Aniya, sa ngayon ang mga bike lanes ay may mga temporary at semi-permanent traffic separation devices upang protektahan ang mga siklista na sa kalaunan ay magiging permanente na ang mga barriers na maghihiwalay sa mga nagbibisikleta sa ibang mga sasakyan sa mga kalsada.

Dagdag ni Quimpo, sa kautusan ni Mayor Belmonte, kasalukuyang tinutukoy ang iba pang maaaring bagong ruta ng bike lanes upang maiugnay sa mga dating ruta. Kasabay nito ang paglalagay ng mga karagdagang signages, bike parking, at repair area para pa rin sa seguridad ng mga nagbibisikleta.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na naglagay ng hanay ng mga “cats eye” o mga ilaw sa daan kung gabi, upang maging tanda na ang bahaging iyon ng kalsada ay mga itinakdang bike lanes.

Samantala, ang City Council naman ay nagpasa na rin ng Safe Cycling and Active Transport as an Alternative Mode of Transportation Ordinance na nakapagtatag ng “Bicycle and Active Transport Section (BATS)” na isinailalim sa pamamahala ng lokal na Department of Public Order and Safety (DPOS).

Inaatasan ng ordinansang ito ang DPOS na kumuha ng 30 traffic aides upang mangasiwa sa bike lanes sa lungsod.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …