Saturday , November 16 2024
Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang atakehin sa puso dahil sa takot habang ginigiba ng demolation team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang kanilang bahay nitong Sabado, 27 Nobyembre, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ang pumanaw na biktimang si Mica Antoinette Ferrer, 14 anyos, nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Brgy. Mayamot, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong 3:00 pm kamakalawa nang wasakin ng demolition team ang bahay ng 100 pamilya kasama ang mga armadong pulis at assault team sa pangunguna ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay.

Ayon sa pamilya, hindi nakayanan ng bata ang takot sa nakitang mahahabang baril at mga miyembro ng demolition team habang winawasak ang kanilang tanahan.

Hiniling din ng pamilya ang presensiya ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa katarungan sa kamatayan ng biktima.

Kasalukuyang nananatili ang 100 pamilyang apektado ng demolisyon sa isang covered court.

Nakaburol ang biktimang 14-anyos dalagita sa giniba nilang bahay sa nabanggit na lugar. 

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …