NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang joint operation sa Brgy. Pinagbuhatan, lungsod ng Pasig, nitong Martes, 23 Nobyembre.
Sa ulat kay Eastern Police District (EPD) director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang nadakip na suspek na si Michael Aurilla, alyas Oka, 33 anyos, residente sa nabanggit na barangay.
Ikinasa ng mga awtoridad ang buy bust operation dakong 3:45 pm kamakalawa, kung saan nakompiska sa nadakip na suspek ang 37 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P251,600; buy bust money; at boodle money.
Nabatid na si Aurilla ay pangsiyam sa talaan ng mga high value target (HVT) ng Eastern Police District.
Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at Section 11 (Possession) Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)