Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Laurel Janine Gutierrez Valentina

Denise Laurel sigurado na?; Ivana, Yassi, AJ, Jackie, Janine nag-audition sa Valentina

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAKAHULUGAN ang pag-follow ni Ms Julie Ann Benitez, head ng JRB unit na namamahala sa Darna series ni Jane De Leon sa aktres na si Denise Laurel na nag-post ng larawang may mga ahas siya sa ulo.

Si Denise na kaya ang gaganap na Valentina, ang iconic kontrabida ni Darna? Magkakaroon ng anunsyo sa Biyernes, Nobyembre 19 kung sino na ang napili para sa nasabing karakter.

Anyway, trulili kaya na nag-audition din sina Ivana Alawi, Yassi Pressman, AJ Raval, Jackie Rice, at Janine Gutierrez? Pero itinanggi na ito ng kampo ni AJ.

“Baka hindi napili? Siyempre itatanggi ‘yun,”sabi ng aming source.

Dapat sana ay pawang Star Magic talents ang kailangang gumanap na Valentina pero ang paliwanag ng aming source, “Hindi pa kasi hinog ‘yung mga nag-audition, parang hindi pa kaya ‘yung ganoon kabigat na karakter. Lahat kasi ng hinog naglayasan na sa ABS. Si Julia Barretto sana bagay maging Valentina rin, eh, umalis naman na.”

Anyway, noong Nobyembre 15 pala ang first taping day ng Darna sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sina Direk Avel Sunpongco at Chito Rono ang magtutulong na magdirehe ng Darna at sa 2022 ito eere sa Kapamilya channels handog ng JRB Creative Productions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …