MA at PA
ni Rommel Placente
KALOKA naman itong isang DDS (Digong Duterte Supporter). Sinabihan niya si Ogie Diaz na karma nito ang pagkakaroon ng isang premature na anak, si Meerah, na kanyang bunso.
Sinagot ni Ogie ang kanyang basher sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Sabi niya, ”Sabi ng isang DDS, karma ko raw ang bunso kong premature. Oo karma. Good karma. Ikaw hindi ka mahal ng ina mo!”
Tama naman ang basher ni Ogie, karma nga ng TV host-comedian si Meerah. Pero gaya ng sabi ni Ogie, ay good karma naman. Mula kasi nang dumating sa buhay nilang mag-asawa na si Georgette ang bunsong anak, mas maraming blessings ang dumating sa kanya.
At natawa ako sa huling message ni Ogie rito sa isang DDS, na sabi niya, ’ikaw hindi ka mahal ng ina mo!’ ’Pag binasa mo, ay parang minura niya ang kanyang basher,’ di ba? Ha!Ha!Ha!.