Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Lloydie & Bea pwede pa ring gumawa ng movie sa Star Cinema

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

PAREHONG pwedeng gumawa ng pelikula sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na hindi ang GMA Films ng Kapuso Network ang producer. 

Deklara ng talent manager-PEP Troika columnist na si Noel Ferrer kamakailan: “The good news is… walang exclusive film contracts sina Bea at Lloydie sa GMA or any film outfit for that matter.

“So, may posibilidad pa rin silang magsama sa pelikula—at posible pa rin silang maidirek ni Cathy—na talagang malapit na malapit sa kanilang dalawa.

“Sana mangyari pa rin iyun!” 

Dagdag pa ni Noel: “At sana invested din sina Lloydie at Bea roon para may say sila sa materyal na gagawin nila at may taya sila roon para pagandahin pang lalo.” 

In short, kung gugustuhin nina Bea at John Lloyd, pwede silang magkatambal uli sa isang pelikula na walang kinalaman ang Kapuso Network. 

At kung tatanaw sila ng utang na loob, dapat ay sa Star Cinema nila gawin ‘yon, at sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina na napatunayan ng may magic sa takilya. Siya lang naman ang direktor ng all-time highest grossing film in the country: ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at produced ng Star Cinema. 

Speaking of Noel, reliable ang knowledge n’ya tungkol sa mga kontrata ng bigtime personalities sa bansa. Siya ang business manager ng first Filipino Olympic gold medalist na si Hidylyn Diaz, Iza Calzado, Kim Atienza, at EA Guzman, among others. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …