Sunday , February 23 2025

Agawan sa Palasyo
‘HOUSE OF DUTERTE’ GUMUHO NA

111521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MISTULANG kastilyong buhangin na gumuho ang pamilya Duterte na nalantad dahil sa mga hakbang at pangyayari kaugnay ng eleksiyon sa Mayo 2022.

Malalaman sa mga susunod na araw kung “blood is thicker than water” kapag tinotoo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta na anomang oras ay may ‘pasabog’ siya kaugnay sa disgusto niya sa pagtakbo ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bise presidente ng anak ng diktador at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“In a matter of hours, you would know. I will make an announcement. Baka ‘to, ano lang, para malaman ng tao na hindi ko nagustuhan ‘yung nangyari,” anang Pangulo sa panayam sa Banat By vlogger.

Ang panayam ay naganap makaraang kumalat ang video ng TV5 sa Commission on Elections (Comelec) na si Communications Secretary Martin Andanar ang sumasagot sa ambush interview sa Pangulo nang tanungin kung kakalabanin niya ang anak sa pagka-bise-presidente.

“I don’t know. Nag-file ba? Nag-file ba anak ko?” tanong ng Pangulo.

Pero si Andanar ang sumagot at sinabi sa media na babalik ngayong araw, Lunes, sa Comelec si Pangulong Duterte para mag-file ng kanyang VP candidacy.

Hindi na binigyan ng pagkakataon na sumagot pa muli si Pangulong Duterte at pinaalis na ng ‘hawi boys’ ang media.

Sinamahan ni Pangulong Duterte sa Comelec ang longtime aide na si Sen. Christopher “Bong” Go para bawiin ang VP bid at maghain ng COC bilang presidential candidate.

Sa Banat By vlogger, inamin ni Pangulong Duterte na hindi sila nagkakausap ni Sara bago naghain ng certificate of candidacy (COC) bilang vice president ang anak.

“Totoo na hindi ko talaga alam. Nalaman ko no’ng nag-file siya. Noong nag-file siya alam ko na. Noong nag-file siya (Sara), umatras si Bong,” aniya.

Kinuwestiyon ni Pangulong Duterte ang pagtakbo ni Sara bilang VP ni Bongbong gayong nanguna ang anak sa presidential survey.

“I am sure ‘yung pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong ‘yun. Siya ang number 1 sa survey, bakit siya pumayag na tatakbo lang na bise,” anang Pangulo.

Itinanggi niya na may nagdidikta sa kanya para gawin ang pagsuporta kay Go.

Ikinuwento niya na umiyak sa kanya si Go na nagpaalam na iaatras ang VP bid dahil tumakbong vice presidential bet si Sara kaya inudyukan niya raw ang longtime aide na kumandidato na lamang sa pagka-presidente.


DUTERTE
“CANNOT
BE REACHED”
NI SARA

Ayon sa source na mala­pit sa pamilya Duterte, kawawa si Sara dahil walang access sa kanyang ama dahil binabakuran umano ni Go.

Ginagawa umano ni Go ito upang protektahan ang mga “kanegosyo at allies” sa gobyerno.

Kasunod nito, tinang­gal na umano ni Sara ang lahat ng tauhan ni Go na nasa campaign team niya.

Habang ang malapit na kaibigan ni Sara na si Atty. Bruce Rivera ay may mga ipinukol na tanong sa isyu na ang pagsuporta sa Bongbong-Sara ay paghahati sa pamilyang Duterte.

“Sino ba ang nakigulo sa away ng pamilya? Sino ba ang enabler na samahan ang isa pang tumakbong bise kahit tapos na ang pagiging president? Sino ba ang nagpasama mag-file kahit hindi nga masama­han ang sariling anak mag-file ng COC nito? Sino ang mas ginustong magkainisan ang kapamilya kahit puwede naman huwag makialam kasi nasa posisyon naman siya at may kapang­yarihan? Sino ba ang ginagamit ang popularity ng ama para siraan ang anak?” ani Rivera sa paskil sa Facebook.

Para kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renator Reyes, Jr., sa paglutang ng Bongbong-Sara at Go-Duterte sa 2022 elections ay parang pinapipili ang mga botante kung aling bersi­yon ng impiyerno ang mas gusto nila.

About Rose Novenario

Check Also

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Coco Martin, Kaisa ng FPJ Panday Bayanihan sa Misyon ng Serbisyong Totoo

PANGASINAN – Inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa …

Erwin Tulfo Imelda Aguilar April Aguilar Alelee Aguilar

Sa courtesy visit plus motorcade
ACT-CIS REP. ERWIN TULFO MULING PINAGTIBAY SUPORTA SA LAS PIÑAS

NAGSAGAWA ng kortesiyang pagbisita si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa mga opisyal ng Las …

Calamba, Laguna

Calamba residents nababahala sa POGO

CALAMBA — Kamakailan maraming residente sa Lungsod ng Calamba ang nabahala matapos ang inilunsad na …

Mag-utol inaresto sa P.408-M shabu

Mag-utol inaresto sa P.408-M shabu

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang magkapatid na sangkot sa pagtutulak ng droga …

P.9-B halaga ng luxury cars  nasakote ng CIIS-MICP sa Taguig City

Taguig auto shop nanindigan luxury cars locally purchased

NANINDIGAN ang Auto Vault Shop, ang auto shop na sinalakay at nakitaan ng Bureau of …