Saturday , November 16 2024

13-anyos ginawang sex slave ng ama

NAGWAKAS  ang 10-buwan pagiging sex slave ng 13-anyos batang babae sa kamay ng sariling ama nang tuluyang madakip ng pulisya ang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nabatid na nagsimula ang kalbaryo ng Grade 8 student na itinago sa pangalang Shane noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon habang nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang ina kaya’t ang ama at kanyang tiyahin na kapatid ng ina ang nagsilbi niyang tagapag-alaga.

Simula noon, sa tuwing aalis ang tiyahin ng biktima, pinagsasamantalahan ng suspek ang kanyang anak at ang pinakahuli ay nito lamang Huwebes, 11 Nobyembre, dakong 9:00 pm nang muling gapangin at halayin ng ama ang kanyang anak.

Kinabukasan, 12 Nobyembre, umalis nang walang paalam ang biktima dakong 9:00 pm kaya’t hinanap siya ng kanyang tiyahin na labis na nag-aalala hanggang makausap niya ang kapatid na lalaki na tiyuhin ng bata at sinabing nagsumbong ang pamangkin sa kanyang kinakasama kaugnay sa ginagawang panghahalay ng kanyang sariling ama.

Dahil dito’y puspusan ang ginawa nilang paghahanap sa bata hanggang mamataan nila ang biktima na nagtatago sa isang milk tea store sa Elsewhere St.,  Brgy. Malanday habang walang tigil sa kaiiyak.

Nagkataong nagpapatrolya sa naturang lugar sina P/SMSgt. Roberto Santillan, P/Cpl. Joel Carorocan, at Pat. Frederick Ignacio ng Dalandanan Police Sub-Station-6, sakay ng isang police mobile car, kaya’t humingi sa kanila ng tulong ang tiyahin ng biktima.

Dito ay agad kumilos ang mga pulis nang malaman ang pangyayari na nagresulta sa pagkakadakip sa 34-anyos suspek na hindi muna binanggit ang pangalan upang mapangalagaan ang katauhan ng batang biktima.

Kasong Incestuous Rape in Relation to R.A 7610 ang isinampa nina P/MSgt. Jennifer Delas Nadas at P/Cpl. Nadine Isidro ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela police laban sa ama ng biktima sa piskalya ng Valenzuela City. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …