Thursday , May 15 2025

P1-M tobats kompiskado, 2 tulak tiklo sa Marikina

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad nang makompiskahan ng P1-milyong halaga ng hinihinalang shabu, nitong Lunes ng gabi, 8 Nobyembre, sa lungsod ng Marikina.

Sa ulat na tinanggap ni P/BGen. Orlando Yebra, direktor ng Eastern Police District, kinilala ang mga nadakip na sina Marlon Taggueg, 36 anyos, residente sa Gold St., Minahan Interior; at Joemark Garcia, 29 anyos, delivery driver, ng Camia St., Road 3, pawang sa Brgy. Malanday, sa lungsod.

Nabatid na dakong 7:00 pm kamakalawa nang masakote ng grupo ni P/Maj. Fernildo Castro, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), ang dalawa na nagtatarya ng shabu sa loob ng bahay ni Taggueg.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachet at dalawang bukas na ice bag ng hinihinalang shabu, may kabuuang timbang na 155 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,054,000, drug paraphernalia, at buy bust money.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng Marikina PNP at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …