Tuesday , December 24 2024
Emeng Pascual, Ombudsman, Money

Mayor Emeng ng Gapan, kinasuhan ng P170-M graft sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act (RA3019) ang alkalde ng Gapan, Nueva Ecija kasama ng apat pang opisyal ng lungsod kaugnay ng mahigit P170 milyong pondo na hindi maipaliwanag kung saan nagamit.

Sa 11-pahinang demanda na iniharap sa Office of the Ombudsman nitong 22 Oktubre 2021, tinukoy ng complainant na si Reynaldo Linsangan Alvarez, residente ng San Vicente, Gapan City, ang mga kinasuhan na sina Mayor Emerson “Emeng” Pascual, City Disbursing Officer Mauricio Ongjoco, acting City Social Welfare Chief, Simeon Villareal, former City Treasurer Bienvenido Molas, Jr., at Local Revenue Collecting Officer Adrian Ongjoco.

Ayon kay Alvarez, lumitaw sa record ng Commission on Audit (COA) na hindi nagsumite ng anumang dokumento si Mayor Pascual at mga kapwa niya kinasuhan kung saan nila ginamit ang P5,493,916 cash advance mula Setyembre 2018 hanggang Enero 2020 na umano’y nagastos para sa street lights, training and travelling expenses, conference meals at cash prices.

Sa kaparehong taon, mula Enero, Marso, Abril at Setyembre, nag-cash advance na naman umano si Mayor Pascual, et al, ng P42,114,000 para umano pambayad sa Cultura Presentation, CoVid-19 response, financial assistance, at sa speakers sa Kabataan kontra Droga at Terorismo.

Noong Oktubre-Nobyembre 2020, mayroon din umanong cash advance na P79,475.00 para sa cash assistance.

Petsang 16-29 Disyembre 2020, sina Mayor Pascual, City Medical officer ng Gapan na si Ma. Carina Arceli Bautista, at Adrian Ongjoco ay nag-cash advance na naman ng P12,723,850 para umano sa financial assistance at pension ng senior citizens sa lungsod.

Pinagpapaliwanag din ng complainant si Mayor Pascual kung paano ang naging paraan ng pamamahagi ng P39,169,000 Social Amelioration Program, P71,244,000  local disasters and management funds.

Batay sa COA Circular 47-002 na inilabas noong Pebrero 1997, ang mga cash advances ay dapat ginagawan ng liquidation report at isinusumite sa kanilang tanggapan kalakip ng mga resibo ng hindi bababa sa lima hanggang 60 araw.

Tahasang sinabi ng complainant, ang hindi pagsusumite ni Mayor Pascual at ng iba pang opisyal ng lungsod ay paglabag na sa batas kaya dapat umano silang mapatawan ng kasong kriminal at administratibo.

Kaugnay nito, hiniling din ng complainant sa Ombudsman na masuspendi si Mayor Pascual habang iniimbestigahan ang kaso upang hindi maimpluwensiyahan ang mga opisinang posibleng pagmulan ng mga ebidensiya laban dito. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …