Tuesday , May 13 2025

Grupo nanawagan sa pamahalaan
AERIAL BOMBINGS SA BUTUAN, BUKIDNON ITIGIL

NANAWAGAN sa pamahalaan ang isang grupo nitong Lunes, 8 Nobyembre, na ipatigil ang pambobomba sa bayan ng Impasug-ong, lalawigan ng Bukidnon, na nagdudulot ng alarma dahil sa pagtaas ng karahasan sa Mindanao.

Ayon sa Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP), nagsimula ang naturang aerial bombings noong 30 Oktubre at ipinagpatuloy noong 2 Nobyembre matapos ang pansamantalang pagtigil sa mga liblib na lugar ng Butuan at Bukidnon.

Magdamag na umulan ng mga bomba na nagdulot hindi lamang ng sunog kung hindi pati trauma sa mga residenteng nakatira sa naturang lugar.

Sinabi ng PEPP na ayon kay Maj. Francisco Garello, tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, ginagawa ang pambobomba upang maubos ang NPA (New People’s Army) sa lugar kung saan napaslang si Jorge Madlos.

Dagdag ng grupo, ang pambobomba sa mga komunidad ay nagdudulot ng collateral damage at karaniwang mga nagiging biktima nito ay mga inosenteng sibilyan, na paglabag sa mga probisyon ng International Humanitarian Law.

Kilala si Jorge Madlos bilang Ka Oris, isang lider ng NPA na ayon sa militar ay nasawi sa pakikipagbarilan laban sa mga sundalo.

Samantala, pinabulaanan ito ng Communist Party of the Philippines at sinabing si Madlos ay walang dalang armas at tinambangan ng mga sundalo.

Nananawagan ang grupo sa pamahalaan at sa National Democratic Front of the Philippines na ibalik ang usapang pangkapayapaan upang maiwasan ang karahasan sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …