Wednesday , December 18 2024
Ping Lacson

Ping hataw sa huling surveys

110921 Hataw Frontpage

LUTANG na lutang na ang pagtaas ng antas ng pagtanggap ng publiko kay Partido Reporma chairman at 2022 elections standard bearer Panfilo Lacson bunga ng mga numerong naitala niya sa mga survey na isinagawa kamakailan.

Pinakahuling naglabas ng datos ay ang Catholic-owned Radyo Veritas na nakapagtala si Lacson ng 19 puntos sa survey na isinagawa sa pagitan ng mga petsang 1-31 Oktubre ng kasalukuyang taon, may temang Respondent’s Perception of Who Among the Current Presidential Aspirants Adheres to Catholic Values and Beliefs.

        Bago ito ay nakapagtala ng 68 porsiyento si Lacson sa naunang survey ng grupong Power of Truth Halalan 2022 na inumpisahan noong 22 Oktubre at nagtagal ng anim na araw na sumakop ng 2,000 respondents sa tanong na “Who is your Presidential Bet for 2022 National Elections?”

        Bagama’t pumangalawa sa kanya sina Ferdinand Marcos, Jr.,  at independent candidate na si Vice President Eleonor Robredo, malayong malayo naman ang naitala nitong numero na umabot lamang sa 12 porsiyento kasunod sina Isko Moreno at Manny Pacquiao na kapwa nakapagtala ng 3 porsiyento.

        Bago ang nabanggit na dalawang pinakahuling survey, nakakopo si Lacson ng 12.5 porsiyento sa Pulso ng Pilipino pre-election survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The CENTER) mula nitong 27 Setyembre hanggang 8 Oktubre ng kasalukuyang taon.

        Ang nabanggit na numero na ayon sa The Center ay nagpapakita ng lakas sa Luzon at Visayas ay unang naitala ni Lacson dahil sa mga naunang survey sa kasalukuyang taon, siya ay nakapagtala ng 4 porsiyento at sa sumunod ay 8 porsiyento.

        Ang survey ay nagtanong sa 2, 400 respondents sa buong bansa.

        Sa sistema ng The Center, hindi isinama sa mga pagpipilian ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil hindi naman naghain ng certificate of candidacy (COC) at sinasabing talagang wala nang kaplano-plano pang sumabak sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.

        Positibong tinanggap ng Partido Reporma ang mga nabanggit na resulta ng survey dahil nagpapakita ito na nasa tamang direksiyon ang kanilang pangangampanya sa kabila ng kakaibang galawang pampolitikal sa bansa sa kasalukuyan.

        Bukod sa magandang impresyon ng mga naturang survey, inaasahang titibay ang pundasyon ni Lacson sa Mindanao dahil sa naganap na malawakang lipatan ng mga politiko sa Davao Del Norte sa Partido Reporma mula sa ibang partido na kinabibilangan maging ng PDP Laban.

        Si Davao Del Norte Governor Edwin Jubahib, Secretary-General ng Reporma at dating Speaker Pantaleon D. Alvarez na presidente ng Partido na kinatawan ng unang distrito ng lalawigan ay parehong kaalyado ni Lacson. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWANni Ed de Leon KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …