Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre, Diego Loyzaga

Nadine umpisa na sa Viva, naka-lock-in taping na sa Rizal

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SA wakas ay gumiling na ang kamera ni Direk Yam Laranas sa unang tambalan nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga na may working title na Greed produced ng Viva Films at Meslab Production.

Ipinost ni Direk Yam sa kanyang Instagram nitong Linggo ng 9:00 p.m. ang mga larawan ng dalawang artista niya na nakatira sa isang lumang bahay na nasa gitna ng bundok ng Rizal.

“GREED @vivamaxph #actor @nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography #filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment, “ ito ang caption ng direktor.

Pinadalhan kami ni direk Yam ng mga larawan na kuha niya sa shoot thru FB chat na may nakalagay na ‘multiple locations’ at ang ganda-ganda dahil halos abot kamay nito ang mga ulap at walang makikitang ibang taong nakatira.

As usual, nagpatayo na naman si direk Yam ng bahay sa tuktok ng bundok para maging tirahan nina Nadine at Diego na base sa mga larawan ay sila ang magkarelasyon at ano kaya ang karakter ni Epy Quizon?

Kaya pala bago simulan ang lock-in shoot ni direk Yam ay nag-post siya ng machine na gamit niya pang-exercise, “Pre-production Conditioning #gym #workoutmotivation #cardio @lifefitnessofficial #treadmill #exercise #health #lifefitness #filmmaking #filmmakerslife.”

Kasi akyat-baba siya sa tuktok ng bundok at dahil limitado lang ang production staff kaya malamang may bitbit din siyang mga gamit.

Minsan natanong namin si direk Yam kung bakit laging sa Rizal ang location ng mga pelikula niya. “Mas mura at safe ang lugar.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …