MA at PA
ni Rommel Placente
NAGING celebrity contestant si Aljur Abrenica sa recent episode ng Sing Galing. Sa guesting niyang ‘yun sa nasabing show, ay hiningan siya ng hosts na sina K Brosas at Randy Santiago ng mensahe para sa kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl.
Ang madamdaming mensahe ni Aljur para sa mga ito ay, “Sa mga anak ko, Alas, Axl, mapapanood niyo ‘to, pasensya na at umabot sa ganito. Pero papa’s fine. Your mama is happy. We’re both happy. Don’t worry about us. Magkaibigan kami and we’re doing our best to co-parent. Kayong dalawa ang pinakamagandang nangyari sa buhay namin. Kung ‘di man kami nagtagal ng mommy ninyo, kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay naming.”
O ‘di ba, nakakaiyak naman talaga ang mensahe ni Aljur kina Alas at Axl.